"Misa sa Pista sa Nayon, Nagbigay Diin sa Kabutihan"
Idinaos noong Agosto 30 sa gymnasium ang banal na Misa bilang pagbubukas ng pagdiriwang ng Pista sa Nayon. Pinamunuan ito nina Fr. Derek (Mass Presider), kasama sina Fr. Jose L. Marie Pareja SVD (School Director), Fr. Felicito Borres, at Fr. Agus Yustinus.
NEWS
8/30/20251 min read
Sa homiliya, tinalakay ni Fr. Pareja ang ilang hamon na hinaharap ng kabataan tulad ng premarital sex, pornography, materialism, at pandaraya sa pagsusulit. Hinikayat niya ang mga estudyante na magtaas ng kamay bilang tugon kung naniniwala silang ito’y sagabal sa paggawa ng kabutihan.
Bago magtapos, iniwan niya ang makabuluhang paalala: “Ang tunay na tapang ay ang pagpapakita ng kabutihan kahit walang pumapalakpak.” Binigyang-diin niya na ang paggawa ng tama ay hindi para sa papuri, kundi para sa tunay na pagpapahalaga sa kabutihan at pananampalataya.
Isinulat ni: Bernise Moquia
Larawan nina: Yza Garvez, Ariela Smolen, Nicole Busa,







