Tagisan ng talino, Matagumpay na idinaos sa LVD

Matagumpay na isinagawa ang Tagisan ng Talino sa AV Hall ng Liceo del Verbo Divino, Inc. (LVD) bilang isa sa mga aktibidad ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong Agosto 15, taong kasalukuyan.

NEWS

8/17/20251 min read

Ang patimpalak ay nilahukan ng apat na pangkat ng mag-aaral mula sa iba't ibang antas ng baitang kung saan ipinamalas nila ang kanilang katalinuhan, talas ng isipan, at kooperasyon bilang isang grupo.

Ang paligsahan ay binubuo ng tatlong bahagi: madali, katamtaman, at mahirap—na nagsilbing batayan upang matukoy ang nanalo.

Sinundan ito ng tie-breaker round para sa tatlong natitirang pangkat, na siyang nagbigay-daan sa pinal na resulta ng kompetisyon.

Ang Tagisan ng Talino ay naging matagumpay na halimbawa ng makabuluhang aktibidad na hindi lamang nasusulong ng akademikong galing, kundi nagpapalalim din ng pag-unawa at pagmamalasakit sa ating wika at kultura.

UNANG GANTIMPALA:

Ellaso, Judiecelle

Ilagan, Amarra Kristelle

Vero, Peve Isaac

Quiletorio, Brent Anthony

Smolen, Catherine Ariela

IKALAWANG GANTIMPALA:

Babiano, Richelle

Bacayo, Thirdy

Corpin, Arjade

Maderazo, Melanie Kirstena

Salipande, Xyryll

IKATLONG GANTIMPALA:

Altar, Reybur Anthony

Bugho, JB

Busante, Paula Bianca

Orquin, Angeline Joy

Tisado, Jeanette

IKAAPAT NA GANTIMPALA:

Almazan, Aubrey

Bañadora, Reuel Josh

Purog, Ashley

Salipande, Yllyz

Supremo, J Paul

Isinulat ni: Aisa Ysamin Robiene

Larawan nina: Keisha Nicole Yu at Yza Garvez